Monday, September 17, 2007

duddeless 4B "sa'n na nga ga?"

duddeless 4B.. ito ang bumungad sa akin ng minsang buksan ko ang inbox ng email ko.. ano ba ika ko ito nasabi ko sa sarili ko.. nagbuo pala sa yahoo groups ang mga dati kong kaklase nung hayskul at iniimbitahan nila ako na sumali.. mangyari kasi nung 4th year kami ay seksyon B kami at kung bakit duddeless ay di ko alam kung saan nagmula ang katagang iyon.. nang maitanong ko kung bakit duddeless, abay secret daw.. diba't panlagay sa kili-kili iyon, baka may bagong brand.. syanga pala, Cuenca Institute po sa Cuenca, Batangas ang aming ika nga eh alma mater.

ang layunin pala kaya ito naitatag ay upang magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at ng mga pwersang maka-kaliwa.. mali pala, para sa amin palang mga dating magkakaklase at magkakaibigan. sya sige makasali na nga at ng makabalita naman sa mga kurwahong iyon, tutal wala namang bayad ang pagsali.


at eto na nga, aba'y wala pa yatang sampu ang mga nagiging myembro at ang iba'y ipinagtatanung-tanong pa.. may nagsuhestiyon pa na ipa-blotter na at baka sakaling mas madaling matagpuan. 'san na nga kaya sila..




ilang taon na rin kasi ang nakalilipas buhat ng huli kaming mag-reunion at ito palang pala ang kauna-unahan. uso na ang txt nun at ang karamihan pa sa amin ay sa Cuenca pa naninirahan kaya't naging madali ang paghahagilap sa amin. swimming ang naging tema ng pagtitipon sa may bandang Lemery, Batangas. di ko maalala kung anong resort yun.. medyo marami din kaming mga nakadalo at naging masaya ang nasabing pagtitipon. syempre di mawawala ang aming likas na kakulitan. kanya-kanyang bidahan at yabangan. hanggang sa magsipag-uwian kinabukasan. at mula noon ay naging matumal na ang aming komunikasyon..
teka, sino-sino nga ba ang mga naging kaklase ko. di ko na halos maalala lahat ang mga pangalan nila. maging ung mga kahilera ko sa row 4 ay di ko na rin halos matandaan. syempre, di ko naman malilimutan ung katabi ko at kakopyahang si..... ano nga ba ang pangalan nun at ang crush ko na si.........
natagpuan ko na lamang ang sarili kong nangingiti habang binabalikan ang hilaw na kahapon. ang mga hintayan at hatiran pagkalabas sa skul. ang sama-samang pagkain ng lomi sa palengke at saglit na pag-istambay muna bago magsipag-uwian. ang mga galaan at barikan pagkatapos ng mahirap na exam.ang mga patpating katawan na salat pa sa karanasan ay hinahayaang maulanan habang aliw na aliw sa paglalaro ng basketball. maging ang lambingan ng mga naging magsing-irog na ni isa man yata sa kanila ay walang nagkatuluyan.. wala nga kaya?...
haaayy, buhay nga naman.. kamusta na kaya sila...
marahil ang karamihan sa kanila ay may mga pamilya na ngaun at may mga supling na inaalagaan at di lang isa, tag-iilan na malamang.. ang iba naman ay naging migrante o nagsisipag-trabaho na sa ibayong dagat. gaya na lamang ng aming naging butihing presidente na si Eliza Garcia na syang may pakana ng lahat ng ito. marahil ang iba naman ay pumasok narin sa magulong mundo ng showbiz. pacensya na kayo kun di ko kayo napapanood, bihira kasi akong manood ng tv at magbasa ng mga magazine.
meron din kayang naging palaboy na katulad ko..

saan man sila naroroon ngaun at kung ano man ang pinagkakaabalahan nila, dalangin ko ang kanilang tagumpay at kasaganahan sa buhay. at kun sakali man na minsan isang araw ay muling magkrus ang aming mga landas, isang ngiti o tango lang ay ayos na sa akin.. pro syempre mas masarap kung may kaasunod na libreng meryenda habang nagkukwentuhan.. heheheh
iniukit ko sa lupa ang mga bakas ng aking pinanggalingan upang sa aking paglingon ay kaagad ko itong matagpuan.. sininop ko ang mga gintong oras na lumipas at lagi ko itong bitbit saan man ako bumagtas..

sa inyo, mga naging kaklase at kaibigan ko, ang ating muling pagtitipon ay aking lubos na inaasam...




6 comments:

TanTruM said...

wahhhuhuhuh!!! naiyak nman ako dun naalala ko ung mga ka gang ko ng highskul ung mga saksakan nmn ung mga cutting class pagtalon sa bakod at mga gangwar,wahuhuhu!!! nakakapukaw ng damdamin.

Anonymous said...

nice write-up...it was so funny to reminisce all the happy and sad moments of our highschool days..i miss all the 4B'07,pasaway man or hindi...keep it up kuya jhunhel..hoping to read more of your blogs...

Anonymous said...

"Ang pag-ukit mo sa daan na iyong pinanggalingan ay iyang magiging gabay ng ibang gustong sumunod sa mga yapak mo"

Ibababa ko ang lapis ko upang magbigay pugay sa panandaliang panunumbalik sa kahapon.

Anonymous said...

la familia resort po yung pinuntahan natin..

oldskul said...

tnx anonymous.. si Eliza 'to no?..

Anonymous said...

yup..ako nga po..wala nang iba pa..hahahha..