papasok na ako para sa panggabing trabaho at nakasakay na ako sa tricycle ng mapagtanto ko na sampung piso na lang pala ang barya ko sa bulsa na syang pamasahe ko dito. at ng tingnan ko ang wallet ko ay buong limandaang papel na lamang ang laman nito. kaylangan kong makapagpabarya para sa pamasahe ko sa jeep. at nang makababa na ako sa tricycle ay kaagad kong tinungo ang Velmas, ang suki kong tindahan upang magpapalit . nagkataon kasi na mayroon pa akong sigarilyo at wala naman akong maisip na bilihin. isang matamis na ngiti kaagad ang ibinungad ko sa tindera at nakisuyo ako na kung maaari ay pakipalitan ng pera ko. wala syang imik habang nakatingin lang sa akin at sa halip inginuso na lang nya ang may-ari ng tindahan na syang nakapwesto sa may kaha. ang ibig nyang ipaiwatig ay sa may-ari daw ako magsabi. pinukaw ko ang atensyon ng may-ari na abala sa panonood ng tv at muli ay nakisuyo ako na pakipalitan naman ng pera ko. sumulyap lamang sya sa akin at pagkatapos ay umiling at muling ibinalik ang atensyon sa panonood ng tv. bigla akong nakaramdam ng pagkabadtrip sa naging reaksyon nila. dito pa naman sa tindahan na ito ako araw-araw bumibili ng sigarilyo at malimit ay nagpapaload, at ngayon na magpapapalit lamang ako ay tanging piping tugon at iling lamang ang napala ko..
nagpasya akong tumawid na lamang ng kalsada upang sa 7-11 na lamang magbakasakaling magpapalit. C2 apple ang napili kong bilihin upang siguradong mabaryahan ang pera ko, hindi kasi basta -basta pwedeng magpabarya ng pera dito. kaagad na akong pumila sa kahera upang magbayad. may dalawang kostumer na nasa unahan ko at napansin ko na mahigit sa isang daan ang parehas nilang naibayad sa mga napamili nila. ayos 'to, sigurado ng mababaryahan ang pera ko naisip ko kaagad. nang ako na ang magbabayad ng bibilhin ko ay tinanong ako ng kahero kung wala daw ba akong mas mababang halaga sapagkat nakita kaagad nya na buong limandaang papel ang hawak ko at wala daw syang panukli para dito. nagbakasakali ulit ako na baka meron naman syang panukli at umiling na lang sya na wala daw talaga kasi Linggo. muli ay mas minabuti kong manatiling mahinahon at kaagad na lamang akong lumabas ng pintuan. kaylangan kong magmadali sapagkat labinlimang minuto na lamang ay aalis na ang serbis namin sa Alabang.
sa tabi ng 7-11 ay McDonalds at mightee mart. nasulyapan ko na mas maraming nakapila sa iisang kahera ng mightee mart kaya't minabuti ko na sa mcdonalds na lamang magbakasakali. pagpasok ko ay nabungaran ko na madami din ang nakapila sa dalawang kahera nito. pumila kaagad ako sa isa habang nag-iisip kung ano ang maaari kong bilihin. regular na coke lang ang napili kong orderin ng ako na ang nasa harap ng kahera. kaagad syang kumuha at ng babayadan ko na ay nagtanong din sya kung wala ba akong mas mababang halaga. "wala talaga", ang kaagad kong isinagot at nakiusap na rin ako na sana ay tanggapin nya na iyon sapagkat kaylangan ko talaga ng barya pampasahe sa jeep at kaylangan ko ng makasakay. mabuti naman at mabait ang kahera na iyon at tinanggap nya ang aking pambayad. matapos masuklian ay kaagad akong lumabas ng pintuan upang mag-abang ng jeep. kung kaylan naman ako nagmamadali ay saka naman walang dumadaan. saglit pa kong naghintay at ng may dumating ay kaagad na akong sumakay. mabagal ang pagpapatakbo ng driver at malimit pa na huminto sa bawat kanto at tao sa tabing kalsada na wari baga'y pinipilit pang pasakayin ang mga ito. lalo pang sumulak ang init ng ulo ko dahil sa sitwasyon na nasadlakan ko. sa awa naman ng Diyos ay nakaabot pa ako sa serbis namin papasok sa trabaho.
maliit na pabor lamang para sa Velmas sa sya pa namang suki kong tindahan at gayon din sa 7-11 ang kinaylangan ko ng mga sansaling iyon. nakapagtataka na sa dami ng mga bumibili sa kanila maya't-maya ay wala silang maipamalit at maipanukli sa ganoong halaga. bakit kaya?..
magsara na lang kayo!!!

4 comments:
hahahahaha.. badtrip nga yun.... Kung ayaw nilang magsara.. Isara natin pareng oldskul...
hahahaha..ganyan din ako sa mga nagpapalit sa bakery namin.kase ginagawang money changer ang tindhan..paano naman kung maubusan ng pamalit sa talgang mamimili sa mga mga susunod na oras..ok lang yan..charge to experience ika nga...make sure na lageng may barya sa bulsa bago umalis ng bahay..
wahahaha!!! uu nga no!hirap nyn tol buti n lng di ka nalate hirap p nmn bumiyahe sa atin!!! nkakahilo,iniisip ko pa lang nasusuka na ko...
buti nalang talaga di ako nalate, malamang suspended na ko.. di ka lang talaga sanay bumiyahe.. nyahahah!!
Post a Comment