Muli akong inakay ng aking mga paa upang minsan pa'y masilayan ang mga pambihirang obra ng ating dakilang Manlilikha. Sapagkat ito ang unang pagkakataon ko na makayapak sa lupain ng Talamitam at mahabang panahon narin na hindi ako nakaka-akyat, animo’y isa akong batang sabik na sabik sa pasalubong..
Kabigkis ang pangkat ng mga rakista na nagsisimula na ring magka-interes sa buhay pamumundok, tumulak kami patungong Brgy. Bayabasan, Nasugbu, Batangas lulan ng isang pampasaherong van dakong ika-siyam ng umaga. Makalipas ang mahigit isa’t-kalahating oras ng paglalakbay ay narating namin ang lugar na aming pagsisimulan. Sa pultahan ni ginoong nick kami suminsay upang magpatala at magsipaghanda ng aming mga gamit. Matapos ang lahat ng preparasyon ay nagsimula na ang aming mga paghakbang.
Sa una’y kadawagan ang aming sinagupa subalit makaraan ang ilang sandali ay narating namin ang maaliwalas na kaparangan kung saan may iba’t-ibang mga pananim at mga naka-pastol na baka at kabayo. Nang makaramdam nang pagkagutom at pagkabilad sa hubad na araw ay nagpasya muna kaming sumilong sa lilim ng mga puno upang makapananghalian at makapagpahing muna. Marahil dahil sa galing pa kami sa pang-gabing trabaho ay naging masarap ang aming paghipig.
Pasado ika-apat na ng hapon nang muli naming ipagpatuloy ang aming pagtahak sa maberdeng kaparangan. Ang mga talahib ay animo mga palaspas na nagbubunyi sa aming pagdaan. Pakagat na ang takip-silim nang aming marating ang tuktok ng Talamitam at kaagad naming inihanda ang aming mga pagtutulugan at hapunan. Sa kasamaang palad ay hindi na umabot ang nabili naming karne subalit naging makulay naman ang aming buhay dahil sa sinigang na gulay, itlog na pula at delata.
Matapos makapaghapunan at makapagligpit ng aming mga pinagkanan ay nagsimula na kaming tumagay. Sa gitna ng pusikit na dilim ay tanging ang aming mga mabababang tinig ang pumapailanlang at mapapanglaw na ilaw ang mababanaagan. Makalipas ang ilang kwentuhan at makailang ikot ng tagay ay nagpasya na kaming magsipagtulog. Payapa ang langit at sa saliw ng huni ng kuliglig ay naging mahimbing ang aming pagtulog.
Maaga kaming nagsipag-gising at kaagad na naghanda ng aming aalmusalin. Matapos ang aming agahan ay nagsipagligpit na kami ng aming mga gamit at nagsipaghanda na sa pagbaba. Muli naming tinahak ang matalahib na landas na aming pinagmulan. Makalipas ang mahigit kalahating oras na paglusong ay narating namin ang pinakamimithing ilog. Ang ilog na siyang kahalintulad ng ating buhay. Patuloy sa pagdaloy ano man ang balakid na masuungan. Gaano man kataas ang pagbabagsakan o gaano man kalawak ang patutunguhan ay kaylangan nito ng kahandaan.
Kinaylangan na naming umalsa sa paglulunoy sa ilog upang makapananghalian. Sa pondohan ni ginoong Nick kami nagluto habang ang iba’y nagbabanlaw. Matapos makapananghalian ay lumisan na kami pauwi sa aming mga tahanan.

3 comments:
Hanepppppp. Saludo ako sa panulat mo.... Ang galing!!!! Hindi ako nagkamali sa pag-aakala na may tasa ang iyong lapis.... Sulat lang..........
tol ok n ok tong gawa mo!!! ganda ng mga pic at ng panulat.hehehe.damihan mo pa ang ganitong mga post...
lubha akong nabighani sa hugis ng iyong mga letra kaya't sinubukan kong papatakin narin ang aking pluma.
Post a Comment