Wednesday, April 23, 2008

1st ADTREK Family Day



Nagsimula "daw" ang lahat sa usapang lasing.. ( wala po ako nung napag-usapan 'to basta natanggap ko na lang ang e-mail ).. at gaya din naman ng ibang lakad, maayos na napagplanuhan ang lahat, hanggang sa tuluyang maisakatuparan..

family day - gaya ng aking pagkakaunawa, upang mabigyan naman ng pagkakataon ang aming mga mahal sa buhay na maranasan ang outdoor life.. mga taong silang naiiwan at nag-aalala sa amin sa tuwing kami'y paparoon sa pamumundok.. mga magulang, asawa, anak, kasintahan at maging mga kaibigan.

Pugad Lawin adventure camp sa loob ng Las Haciendas sa Laurel, Batangas ang napiling pagdausan ng nasabing pagtitipon. sa may tagaytay muna kami nagtipon-tipon lahat bago tuluyang dumiretso sa aming destinasyon. at eto na nga, kanya-kanyang bitbit ng mga tsikiting at mga asawa at maging biyenan pa ata.. medyo may kalayuan ang lugar at nakakapagod ang byahe, subalit masusulit naman ang lahat dahil una, ang kasama ay mga kapamilya at kapuso. the rest, dahil sa mga activities..

pagdating pa lamang namin dun ay kaagad na naming inayos ang aming mga gamit kung saan kami magka-camp.. pagkatapos ay sinimulan na ang mga palaro para sa mga bata at maging matatanda.. rope courses kaagad ang sinabakan.. nakakatuwang pagmasdan na ang lahat ay nag-eenjoy kasali ka man o alalay lang o kaya ay nanonood lamang..
ang iba naman ay abala sa pag-aayos ng gagamitin para sa paint ball (sakitan ng katawan).. isang masarap na tanghalian ang syang nag-iintay sa amin sa clubhaus.. at ng makapagpahinga ang mga bundat na kabanalan ay tinungo naman namin ang "ambon-ambon falls" at matapos ang ilang saglit na pagpapa-ambon sa falls ay bumalik na kami sa camp para sa iba pang activities.. ang iba ay naglaro ng paint ball habang ang iba naman sa mud slide nagpasasa.. mejo nakakapagod din ang magpabalik-balik sa taas ng slide pero nakaka-enjoy kaya't sige lang..





isang masarap na hapunan na naman pala ang syang naghihintay sa amin sa club haus at ang nag-aanyayang tubig ng pool.. at matapos makapagbabad at makapagbanlaw ay bumalik na ulit kami sa camp para naman sa night activities.. ihaw-ihaw ng mallows at hotdog sa bonfire at ang hindi nawawalang socials.. kampay!!

kinabukasan, ilang ulit pa ng paglalaro at pagbababad sa pool ang aming ginawa.. piktyuran at ilang ikot-balik sa loob ng camp.. matapos makapagligpit ng mga gamit at isang meryenda ng spaghetti na basta may sauce ay nagpasya na kaming umuwi sa aming tahanan.. ilang paalaman muna sa mga bago at dati na ring mga nakakasama at bago tuluyang umusad ang gulong ng aming mga sasakyan..

nagpapasalamat ako sa ispiritu ng alak at kahit papano ay may mabubuting bagay din pala itong naidudulot.. weeehhhh!!!!

2 comments:

Black Antipara said...

Sayang saya sana nito.... Pagpalain!!! May climb nga pala ako pare pag hindi May 16 eh sa May 23. Maculot ulit.. Pwede kb?

oldskul said...

dude, ba't indi pa sa 14-15 para saktong bisperas at piyesta ng cuenca.. libre tsibug natin nun!!
kun sakali lang naman.. heheh!!
pagpalain!!!