Showing posts with label tula yata. Show all posts
Showing posts with label tula yata. Show all posts

Monday, February 11, 2008

Muling Pag-ahon

minsan pa'y tatanglawan ng liwanag ang bawat hakbang
tungo sa tipanan ng mga uhaw sa kapanatagan
kaakibat ay ang muling pagbubuhol sa bigkis ng samahan
sa unahan o mapahuli man, pangakong walang maiiwan..

TanTruM said...
at sa muling pagdating sa lugar na ganap ang kapayapaan
papawiin yaring pagod ng katawan na nararanasan
ipaghehele tayong muli ng kalikasan
at palalakasin ang tibay ng samahan ng pagkakaibigan...

ZKEY said...
Ngayon pa lang ay nagagalak na ang mga dahon sa muli nating pagkikita.
Hayaan ang putik ay matuyo sa paa...

Friday, October 12, 2007

muli

ilang araw ng paroo't parito ang aking mga paa
maging sa higaan ay palaging balisa
at may kung anong sa isip at damdamin ay umuukopa

nagsimula ang lahat nang maipanukala
at kasunod ay ang aming pagpapatala
sa isang pagtitipong lubos naming inaasam
na ilang taon na bago pa nasundan

isang dekada na pala ang nakalipas
mula ng magkawalay ang aming mga landas
upang hanapin ang pangakong bukas
sa tulong ng aming mga sulong matingkad ang lingas

at ngayon nga'y magkakaroon na ng kaganapan
ang pagtitipong kaylan lang pinagplanuhan
na binuklod ng iisang damadamin
upang ang nakaraan ay muling sariwain

kayat akin ng ihahanda ang baul ng mga gunita
upang likumin ang bawat gintong sandali

isang bagay na ang tiyak ko, magbabaon ako ng maraming kwento..