Friday, October 12, 2007

muli

ilang araw ng paroo't parito ang aking mga paa
maging sa higaan ay palaging balisa
at may kung anong sa isip at damdamin ay umuukopa

nagsimula ang lahat nang maipanukala
at kasunod ay ang aming pagpapatala
sa isang pagtitipong lubos naming inaasam
na ilang taon na bago pa nasundan

isang dekada na pala ang nakalipas
mula ng magkawalay ang aming mga landas
upang hanapin ang pangakong bukas
sa tulong ng aming mga sulong matingkad ang lingas

at ngayon nga'y magkakaroon na ng kaganapan
ang pagtitipong kaylan lang pinagplanuhan
na binuklod ng iisang damadamin
upang ang nakaraan ay muling sariwain

kayat akin ng ihahanda ang baul ng mga gunita
upang likumin ang bawat gintong sandali

isang bagay na ang tiyak ko, magbabaon ako ng maraming kwento..

2 comments:

Anonymous said...

Pare pwede ba ipost toh sa bolpen at kape? manunula ka rin pala huh... ASTIg

oldskul said...

zkey, testing lang 'to.. di ko nga alam na tula pala 'to.. heheh