Saturday, November 10, 2007

trek or treat

bisperas ng pista ng mga yumao ng muli akong akayin ng aking mga paa patungo sa tuktok ng Mt. Makulot kabigkis ang anim pa sa mga datihan at bagong nakakasama sa pag-akyat..

taong 2003 ng nasabi ring araw ako unang makaapak sa tuktok ng bundok na ito at iyon narin ang naging simula ng aking pasyon sa paglalagalag sa mga hangganan ng lupa..




naging malumanay lamang ang aming pag-akyat at pagbaba sapagkat madulas ang lupa at mga bato dahil sa hamog at panaka-nakang pag-ambon.. sa summit namin napagkasunduang magpalipas ng magdamag sa kauna-unahang pagkakataon, malimit kasi ay sa grassland malapit sa rockies kami nagka-camp.. napuno ng tawanan at kantyawan ang aming pag-akyat at pagbaba dahil sa mga paminsan-minsang pagkadulas at pagsabit sa mga tinik.. sa kabila ng lahat ay nakababa at nakauwi kaming lahat ng matiwasay..



ako'y lubos na nagpupugay sa bundok ng makulot na syang nagsilbing saksi sa mga nabuo, pinatibay at mabubuo pang samahan.. hanggang sa muli kong pag-ahon..

3 comments:

Anonymous said...

Nagpupugay din ang Makulot sa muling pagdalaw ng isa sa kanyang mga "tunay na anak". Nawa'y hindi nagtatampo ang inang Makulot sa aking hindi pagbisita.

Kapatid sa Pag-ahon,

ZKEY

Anonymous said...

glad to see you back on your home town surrounded by the trademark itself,"MT.MAKULOT"...Goodluck on your chosen path...

TanTruM said...

wahahaha...at sa susunod kasama mo kami ulit sa panibagong paglalakbay...nice post dude!!!