Thursday, February 28, 2008

metamorphosis

nang masdan ko ang larawan ko noon
may maigsing buhok at may maliit na katawan
agad akong nag-isip at natigilan
nasa'n na kaya ang dating katawan..

tila uod na naging paru-paro
na ngayo'y lilipad-lipad sa halamanan
kung saan dadapo ay s'ya lang ang may alam
at kapag nahapo, kahit saan dadapo..

at kung umuulan, ang hanap ay masisilungan
ang maliit na dahong pinilit na kanlungan
bakit ako nagtiyaga sa maliit na dahon
kahit alam kong ito'y hindi sapat na kanlungan
hanggang kaylan magtitiis sa aking kabuktutan
sa aking pagsiksik sa kanlungang maliit
na ang tanging dala lamang nito ay dusa at sakit
sana'y matutunan ko na..
sana'y matutunan ko na....

-wuds

4 comments:

Black Antipara said...

Matututunan mo din Oldskul....Pagpalain!!

pen said...

ngayon lang ko napadpad uli dito..ganda ah! bagong bihis! la un cbox mo kaya dito ko ngmsg. :)

life is a learning process.. it may give you bruises and cuts, tears and depression..but at the end of the day, you will see yourself complete and stronger.. proud and head held up high..challenged and ready to face a new day to come. BRING IT ON!

english shet..dumugo ilong ko :)


ONE COUNTRY! ONE LOVE! ONE PRIDE!

b3ll3 said...

ang galing talga ni kuya!tapos ang ganda pa ng layout you!inggit ako..hehe...

oldskul said...

whahahah!!! pinagawa ko lang po yan.. heheh