Sabado.. Sa dinami-dami ng mga naka-plano na dapat sana ay pupuntahan ko, mantakin ba namang sa bahay din lang pala ang bagsak ko.. linsyak naman kasing ambon yun, hindi ko nailagan kaya ayun mejo nagka-trangkaso na naman ako.. dapat sana’y kapiling ko na naman ang kalikasan..
Nasa Mt. Pulag kasi ang mga kapatid ko sa Adtrek para sa isang “adik induction climb”. Dahil nga sa pobre lang ang inyong lingkod at mahirap magpaalam sa mga amo kaya hindi ako nakasama.. Syempre, inggit na naman ako.. kahit na ba nakaakyat na ko dun, iba parin ung laging present sa bawat pag-ahon..
Nasa Mt. Pulag kasi ang mga kapatid ko sa Adtrek para sa isang “adik induction climb”. Dahil nga sa pobre lang ang inyong lingkod at mahirap magpaalam sa mga amo kaya hindi ako nakasama.. Syempre, inggit na naman ako.. kahit na ba nakaakyat na ko dun, iba parin ung laging present sa bawat pag-ahon..
Natural magpapadaig ba naman ang mabolo.. Kaya’t nagplano kaagad ako ng isang dayhike sana sa Mt. Marami na napakatagal ko ng gustong puntahan.. Makailang ulit na kasing umaakyat ang Adtrek dun na hindi ako nakasama.. Kaya’t ipinaabot ko kaagad sa mga tropa ang aking napakagandang plano.. si zkey ang aking kaagad na nahagilap na noon pala ay may nakaplano na ring lakad sa Famy sampu ng kanyang mga kasamahan sa trabaho..( ay, syam lang ata sila lahat) Sa makailang kumbinsihan kung saan ba talaga tutuloy ay nanalo si zkey at pumayag akong sa kanila na lang sumama sa kundisyong susunod na lang kaming dalawa dahil nga sa manggagaling pa ako sa trabaho nun.. Nag-isip na kagad ako ng maari naming maging itinerary at madalimg ruta para kaagad ay makahabol sa mga kasamahan namin..
Subalit, sa di iniwasang pangyayari ay naambunan ang mahinang katawan ng mabolo na syang naging sanhi ng pagkakaroon ng trangkaso.. kaagad ay nagpasabi ako kay zkey na hindi na ako makakasama at baka lumala pa ang aking nararamdaman.. Gayunpaman, minabuti ko na lamg pumasok sa trabaho ng araw ng sabado, kaya pa naman eh. At ang siste, may mga natanguan na pala akong mga lakad sa araw ding iyon na nawala na sa isip ko dahil nga sa ang nais ko sana ay makaakyat ng bundok.. Nariyan na ang 1st birthday ng inaanak ko, birthday ng isa sa mga kasama sa trabaho at birthday ni Nanay ng kumpare ko.. Subalit dahil nga sa mahina sa alak ang mabolo, isa lang ang napuntahan ko.. kaya’t ng makakita ng pagkakataon ay nagsa-ninja na kaagad ako. ( biglang nawala ng di namamalayan)
Pagdating sa bahay ay saglit na on-line muna upang makipagkulitan.. hindi parin nawawaglit sa aking isipan ang mga naunsyaming pag-ahon.. haayyyy… pesteng ubo’t sipon talaga.. ng makaramdam na ng antok ay minabuti ko ng matulog.. nasulyapan ko sa isang sulok ng aking kwarto ang kahon ng aking pinakamamahal na tent.. malalim na ang aming pinagsamahan at marami na rin kaming mga bundok na napuntahan.. at marami na rin…….
Isang ideya ang kaagad ay nabuo sa aking isipan.. kaagad kong inilabas ang tent sa kanyang kahon, kasunod ang paghahagilap sa iba pang mga gamit na kakaylanganin ko.. sa veranda ako matutulog!! Nang makumpleto na lahat ay kaagad akong umakyat at pagdating ko sa veranda ay isang maaliwalas na kalangitan ang syang tumambad sa akin.. maningning ang liwanag na ibibigay ng buwan at ng mga bituin, mangilan-ngilan din lamang ang mga ulap.. ayos!! ok na sakin ‘to..
Iba ang tanawin mula sa aming veranda, hindi katulad ng sa bundok.. mula sa pwesto ko ay matatanawan ang mga nagtataasan at naglalakihang billboards at mga sasakyan sa SLEX.. hindi huni ng mga kuliglig, kundi mga ugong ng sasakyan at mga tahol ng aso ang maririnig.. pwede na rin.. malakas ang pag-ihip ng hangin dakil sa madami ring mga puno sa paligid ng bahay namin at ang maaliwalas na kalangitan ang silang naging pakunswelo sa akin.. kahit nasa malayo ang aking mga kapatid sa pag-ahon, marahil ay iisa rin lamang ang aming nararamdaman.. sa piling ng kalikasan….
Isang maaliwalas na Linggo ng umaga ang syang aking nagisnan.. mag-aalas otso na pala.. hindi pa masyadong mataas at nagtatago pa ang araw kaya siguro napasarap ang tulog ko.. nag-almusal muna ako at ilang sandaling nakipaglaro sa mga makukulit at bibong mga pamangkin na sila allen at yoshi.. ilang gawaing bahay din ang aking nagampanan..
Bagama’t sa bahay lang din humantong ang aking mga naunsyaming lakad, naging masaya din ako at kahit papano ay naranasan ko ang gabi na may kaunting kahalintulad ng nasa bundok. Napakinabangan pa ako sa bahay..aba’y, ayos din!!!
Isang maaliwalas na Linggo ng umaga ang syang aking nagisnan.. mag-aalas otso na pala.. hindi pa masyadong mataas at nagtatago pa ang araw kaya siguro napasarap ang tulog ko.. nag-almusal muna ako at ilang sandaling nakipaglaro sa mga makukulit at bibong mga pamangkin na sila allen at yoshi.. ilang gawaing bahay din ang aking nagampanan..
Bagama’t sa bahay lang din humantong ang aking mga naunsyaming lakad, naging masaya din ako at kahit papano ay naranasan ko ang gabi na may kaunting kahalintulad ng nasa bundok. Napakinabangan pa ako sa bahay..aba’y, ayos din!!!
4 comments:
wahee!
ang saya neto..magawa nga to sa hardin..lalo na kapag bilog ang bwan..pero iiskedyul dapat.. sana marequest ko din kay haring bwan na nawa'y maging maliwanag siya sa gabing iyon..
ayos!
kamusta na si shades?
tama pen, magrequest ka na kagad kay haring buwan para masked na kung kelan magandang magtent sa bahay.. matamlay pa rin si shades..
Dibale Oldskul magtatagpo ulit ang mga paa natin sa bundok. Hindi ako makasama sa Batulao dahil kaaakyat ko lang nung sabado eh. Baka sabihin naman ni misis na buhay binata si ZKEY.hehehehe. Ingat kayo.. Puro 1 day climb lang ngayon ang mga plano ko eh.. Godbless
whahaha!tinuloy nga ni kuya kala ko nagbibiro lang sya..but ang saya, sana magawa ko rin..miss ko na rin ang matulog sa tent...
Post a Comment