Bakas sa paligid ang hinagpis na dulot ng nagdaang unos, at ang mga ulap ay nanatiling nakakulumpon sa gawing yaon. Maging ang hangin ay impit lamang sa pagbulong. Mga dahon ma’y di makapagbigay kanlong.
Bantulot sa paggalaw sa di nakasanayang kapaligiran , minabuting likumin ang lakas na natira sa nasumpungang digmaan. nagpatanggay sa agos, di inalintana kung saan man hahantong, ipinaubaya na lamang ang lahat sa panahon..
Mahabang katahimikan….
matagal na kawalan…
Mula sa likod ng mga ulap ay may sumilay na liwanag at hinawi ang alapaap na nakatalukbong sa nalugmok na kamalayan. Taglay nito’y kakaibang ningning na s’yang naghatid ng tanglaw sa karimlan. Subalit hindi tiyak kung ito ba’y payak o bulaang balintataw lamang.
Muling dumaloy ang agos ng buhay, ang mga dahon ay muling kumaway. Hatid nito’y dalisay na hangin, na sa bawa’t sandali’y nakapanghihinayang na palipasin. Bagong sigla, ningas sa naupod na mitsa.
Subalit ang lahat ay tantong ‘di maglalaon, pasasaan ba’t babalik ding muli ang kahapon. Naisin man na manatili sa liwanag ng tanglaw, o sundan ang kinang sa bawat paggalaw, ang lahat ay walang saysay sapagkat sa kanya’y may sadyang naghihintay.
datapuwat ang lahat ay may hangganan. Nakatakda ang bawat patutunguhan . subalit patuloy paring umaasam, na sana, kahit minsan pa, ang tanglaw ay muling masilayan.
Wednesday, February 13, 2008
Monday, February 11, 2008
Muling Pag-ahon
minsan pa'y tatanglawan ng liwanag ang bawat hakbang
tungo sa tipanan ng mga uhaw sa kapanatagan
kaakibat ay ang muling pagbubuhol sa bigkis ng samahan
sa unahan o mapahuli man, pangakong walang maiiwan..
TanTruM said...
at sa muling pagdating sa lugar na ganap ang kapayapaan
papawiin yaring pagod ng katawan na nararanasan
ipaghehele tayong muli ng kalikasan
at palalakasin ang tibay ng samahan ng pagkakaibigan...
ZKEY said...
Ngayon pa lang ay nagagalak na ang mga dahon sa muli nating pagkikita.
Hayaan ang putik ay matuyo sa paa...

Tuesday, November 27, 2007
ang aming tugon
"ano ba ang napapala nyo sa pag-akyat sa bundok?" ito ang malimit ay naitatanong sa amin.. marahil ay isa ka rin sa mga nag-iisip kung bakit sa kabila ng pagod at hirap ay parati parin naming inaasam ang makarating sa tuktok.. ako man ay hindi ko lubos maipaliwanag ang kadahilanan at kakaibang kaligayahang aking natatamo sa tuwina.. basta't nasumpungan ko na lamang ang aking sariling nagpapagpag ng alikabok ng kahapon sa kandili ng kalikasan..
kamakailan lamang ay muli kaming inakay ng aming 'di matimong mga paa sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Bulacan. sa bayan ng San Miguel nagkakanlong ang bundok ng Manalmon, ang yungib ng Bayukbok at ang ilog ng Madlum sa patuloy sa pag-agos. sadyang ang bawat obra ng ating Dakilang Manlilikha ay may kanya-kanyang taglay na katangian na bibihag sa iyong kamalayan. marahil ay isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy kami sa aming paglalakbay..
maganda ang tanawin mula sa tuktok ng Manalmon. sa ibaba nito ay matatanawan ang luntiang mga tumana na syang nagsisilbing kabuhayan ng mga mamamayan dito. ang ilog na di matanaw kung saan nagmula at kung saan patungo ay patuloy sa pag-agos upang magsilbi sa mga nangangailangan nito. at ang mga karatig at malalayong bundok sa paligid nito na animo'y nag-aanyaya upang magpamalas ng kanilang angking kariktan.. tanging pag-ihip ng hangin at pagaspas ng mga dahon ang pumapailanlang sa kapaligiran at sa saliw ng huni ng mga ibon ay napakasarap magnilay-nilay at magpahinga sa lilim ng mga puno..
maaliwalas ang kapaligiran.. malayung-malayo sa magulo at maingay na komunidad ng kamaynilaan. walang mga naglilikutan at mauusok na mga sasakyan, mga gusali na nakakalulang pagmasdan sa sobrang tatayog. walang mga amo na sa tuwina'y nakamatyag at may ipapagawa.. mahirap mang tanggapin subalit nagdudumilat ang katotohanan na wala na sa gubat ang mga mababangis na hayop, nasa siyudad na. naka-abang lamang at anumang oras ay handa kang silain. ngayon ay mas talos ko na kung bakit sa matataas na puno nagpupugad ang mga ibon..
kalayaan.. montani semper liberi.. kapayapaan.. pantay-pantay na pagtuturingan.. tanging kalikasan at mga taong nalulugod dito ang nasa paligid..
marami ang nakamulat subalit kakaunti ang nakakakita.. ipinagmamalaki kong naging mapalad kami sapagkat nasisilayan namin ang mga ganitong uri ng tanawin. pinagkalooban tayo ng mga mata upang magamit na gabay sa ating buhay, nakapanghihinayang naman kung masisira lamang ng mapang-akit na mga produkto ng teknolohiya..
ilan lamang ito sa mga kadahilanan kung bakit patuloy kami sa pag-ahon. gaya ng nabanggit sa unang talata, mahirap ipaliwanag.. kaya't ang aming tugon sa mga nagtatanong; "bakit hindi nyo subukang sumama.."

Subscribe to:
Posts (Atom)